DZMJ Online Season 11 Episode 6 is with Mr, Jardin Wong, The Chief Operating Officer of Golden Bay Fresh Land Holdings Inc. the builder of ASPIRE Properties, a new building at the bay area soon to rise that will cater to office and residential spaces.
XXX
Lotto, Keno operators umabot ng 11,120
Umabot na sa 11,120 ang Lotto at Keno agents sa buong bansa noong 2018,
ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager
Alexander Balutan nitong Miyerkules.
“Mula Enero hanggang Disyembre taong 2018, ang ating Lotto and Keno agents
ay umabot na ng 11,120. Sa 11,120, 8,769 ay Lotto agents at 2,351 ay
operators ng Keno operators,” ani ni Balutan.
Sa Lotto, pinakamaraming ahente ay nasa National Capital Region (NCR) na
may 2,251, sinundan ito ng Visayas na may 1,952, Southern Tagalog at Bicol
Region (STBR) na may 1,747, Mindanao na may 1,674, at Northern and Central
Luzon (NCL) na may 1,145 na ahente.
Sa Keno, pinakamarami din sa NCR na may 883 operators, sinundan ito ng SBTR
na may 681, NCL na may 366, Visayas na may 267, at Mindanao na may 154 na
operators.
Ang Keno Lotto Express ay isang masayang laro na linalaro tuwing ika-10
minuto kung saan ang manlalaro ay mamimili sa mga numero na kanyang
lalaruin at kung magkano ang kanyang itataya.
Sa Keno, ang manlalaro ay may tsansang manalo hanggang P1,000,000 sa bawat
P12 kada laro.
“Alam n’yo naman na ang ating kinikita ay nanggagaling sa dugo’t pawis ng
ating mga mamamayan na pumipila araw-araw sa mga Lotto and Small Town
Lottery (STL) outlets para bumili ng tiket. Kaya dapat malaman nila kung
saan napupunta ang kanilang pera at kung paano ito ginagastos ng PCSO,”
sabi ni Balutan.
“Kailangang malaman ng ating mga manlalaro na hindi man nila mapanalunan
ang jackpot prize na nagkakahalaga ng milyon, pero ‘yung P24 nila ay
makatutulong ng malaki sa buhay ng isang diyalisis o chemotherapy patient
na siyang tinutulungan ng PCSO sa ilalim ng Individual Medical Assistance
Program (IMAP),” dagdag pa niya.
Sa P64 bilyon na kinita ng PCSO noong 2018, P31,902,529,360 ay nanggaling
sa Lotto at digit games, P26,103,422,348.39 mula sa STL, P4,397,969,030
mula sa Keno, P1,149,124,000 mula sa Instant Sweepstakes Ticket (PMC), at
P4,867,500 mula sa Sweepstakes.
“Ang STL ay pangalawa sa produkto ng PCSO na may pinakamalaking kinikita sa
tulong ng 88 operational Authorized STL agents (ASAs). Ang STL ay
nagbibigay ng trabaho at disenteng buhay sa mga Pilipino at kanyang pamilya
na hindi makapasa-pasa sa mga job fairs dahil sa edad, kulang sa edukasuon,
o kapansanan. Isinalba natin sila sa bisyo, droga, o sa mga nais silang
gamitin para sa kriminalidad,” saad ni Balutan.
Sa datos na galing sa Branch Operations Sector sa pangunguna ni Assistant
General Manager Remeliza Gabuyo, nakapagbigay ang STL ng 314,596 na trabaho
sa ngayon. Sa 314,596 na trabaho, 13,720 ay organic employees, 26,227 ay
kabo, at 274,649 ay kubradores.
XXX
Paano mag-apply bilang online lottery agent
Ang aplikante ay kailangang punan ang Online Lottery Application Form at
ilakip ang mga sumusunod na dokumento:
• Sketch/location map ng iminumungkahing outlet site
• Litrato ng building ng iminumungkahing outlet site
Kinakailangang kumpleto ang application form kalakip ang lahat ng mga
kinakailangang dokumento kungdi hindi ito mapo-proseso. Lahat ng
aplikasyon ay dadaan sa pagsusuri bago ito maaprubahan.
Sasailalim ang iminumungkahing outlet site sa inspeksyon at pagsusuri ng
PCSO. Ipapaalam sa aplikante ang magiging resulta ng pagsusuri. Ipapaalam
din sa aplikante ang estado ng kanyang aplikasyon kung may communication
facility sa iminumungkahing outlet bago ito kabitan ng linya.
*Mga kinakailangan*
Ang aplikante ng online lottery agent ay kinakailangang Filipino citizen at
21 years old.
Sa mga individual applicants, kailangan niyang mag-sumite ng:
• 3 latest ID pictures (2 x 2);
• 3 latest ID pictures (2 x 2) of spouse
• Letter of intent
• Online lottery Personal Data Sheet
• Proof of Income: Sa mga self-employed applicants, kailangang
mag-sumite ng income tax return, registration of business, at audited
financial statements. Para sa mga trabaho, kailangan niyang mag-sumite ng
income tax return, registration of business audited financial statements,
at certificate of income.
• Proof of Ownership/lease of outlet: Ang mga may-ari ay kailangang
mag-sumite ng Land Title or TCT. Sa mga nag-ri-renta, contract of lease
(notarized), building owner’s authorization form
• NBI Clearance (Current)
• Barangay clearance (personal record) sketch/location map ng
iminumungkahing agency site
• Litrato kung nasaan ang building
• Litrato sa loob ng building
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.psco.gov.ph.