DZMJ Online Season 10 Episode 7 is with the Department of Science and Technology’s Philippine Atmospheric Geophysical and astronomical Services Administration held its Year End party 2018 with the Media At Seda Hotel In Quezon City
XXX
Pagbati kay Dr. Wennielyn F. Fajilan na nagwagi sa Gawad Julian Cruz
Balmaseda 2019 para sa kaniyang disertasyon na pinamagatang Pananalig sa
Bata: Kasaysayan at Panunuri ng Muling Pagsasalaysay at Pagsasaling Pambata
sa Filipino!
Si Dr. Fajilan ay propesor sa Unibersidad ng Santo Tomas at nagtapos ng
kaniyang kursong PhD Filipino (Pagsasalin) sa Unibersidad ng
Pilipinas-Diliman. Kasalukuyan siyang Tagapag-ugnay ng UST Sentro sa Salin
at may espesyalisasyon sa larang ng Araling Pampagsasalin, Panitikang
Pambata, at Araling Filipinas (Philippine Studies).
Bilang nagwagi, makatatanggap si Dr. Fajilan ng gantimpalang salapi na
PHP100,000, plake ng pagkilala, at pagkakataong mailathala ang kaniyang
kosa ilalim ng programang Aklat ng Bayan ng KWF.
Sa kabilang banda, walang itinanghal na nagwagi sa kategorya ng tesis
(masteral). Ang Lupon ng mga Hurado ng Gawad Balmaseda 2019 ay binubuo nina
Dr. Clement Camposano, Dr. Emmanuel C. De Leon, at Dr. Jovino Miroy.
Ang Gawad Julian Cruz Balmaseda ay ang pinakamataas na pagkilála na handog
ng KWF para sa natatanging tesis at disertasyon sa agham, matematika, agham
panlipunan, at iba pang kaugnay na larang gamit ang wikang Filipino.
Panrehiyong Seminar sa Korespondensiya Opisyal
Inaanyayahan ang mga empleado mula sa mga lalawigan, lungsod, at bayan na
sakop ng Rehiyon 3 na dumalo sa kauna-unahang Panrehiyong Seminar sa
Korespondensiya Opisyal na isasagawa sa 18-19 Pebrero sa Malolos Sports and
Convention Center, Mac Arthur Highway, Malolos, Bulacan.
Walang babayarang rehistrasyon! Ang transportasyon, pagkain (sa loob at
labas ng seminar), at akomodasyon ay maaaring kunin sa pondo ng pamahalaang
lokal.
Makipag-ugnayan sa sumusunod:
Aurora, Bataan, Zambales at mga sakop nitong lungsod at bayan – Pinky Jane
Tenmatay (0915-2864011; pinkyjanes10matay@gmail.com)
Bulacan at mga sakop nitong lungsod at bayan – Jomar Cañega (0906-4420906;
jinocanega@gmail.com)
Pampanga at mga sakop nitong lungsod at bayan – Jomar Cañega (0906-4420906;
jinocanega@gmail.com) at Einzoely Agcaoili (
0917-1508019;einzoely08@gmail.com)
Tarlac at mga sakop nitong lungsod at bayan – Einzoely Agcaoili
(0917-1508019; einzoely08@gmail.com)
Nueva Ecija at mga sakop nitong lungsod at bayan – Miriam Cabila
(0929-8765856; miriam.cabila@yahoo.com)
Ang gawaing ito ay pinamamahalaan ng Komisyon sa Wikang Filipino sa
pakikipagtulungan sa Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan at
Pamahalaang Lungsod ng Malolos.
http://kwf.gov.ph/panrehiyong-seminar-sa-korespondensiya-opisyal/