Due to the eruption of Mt. Taal in Batangas
GEN MALVAR MOVIE MOVED ITS LOCATION SHOOTING IN BULACAN
Producers of the much awaited Gen. Malvar movie which most of its scene were shot in Batangas moved the location to Bulacan.
Mainly due to the eruption of Taal volcano because some if not all of the places where they are shooting the film was destroyed and covered with ashes.
That’s what Atty.Jose Malvar-Villegas, the Producer of the film and the Grandson of the Hero Gen. Miguel Malvar, portrayed in the film by none other than Senator Manny Pacquiao.
The group made a courtesy call to Bulacan vice Governor Wilhelmino M. Sy-Alvarado which is well versed in the written history of the country and of Bulacan where he narrate to them some scenes in our written history which he says that about two thirds of the written history in books of the Philippines happened in Bulacan and that the main characters were Bulakenyos.
Present in the courtesy call where Atty. Jose Malvar-Villegas, Atty. Pete Principe, Director Jose Kaka Balagtas, Actor Jess Sanchez and location hunters Michael and Mary Jane Balaguer.
After talking to the Vice Governor at the Capitol in Malolos where he has pledged to help in promoting the film, the group went to Bgy. Agnaya in Plaridel where the historic Death of Major John Stotsenberg at the hands of Gen Gregorio del Pilar was situated and pay their respects to the historic marker of victory.
They also went to St, James Parish in poblacion Plaridel where they says that most of the upcoming scenes will be shot and after a long travel from malolos to Plaridel, they end upt at the place of the first Philippine Republic at Kakarong de Sili or now Bgy. Real de Kakarong in Pandi.
Director Kaka Balagtas says that the picturesque ambiance of the place is perfect for the skirmish scenes between the American Forces and the Filipino Patriots, he says then it’s a good place to mimic the past.///Mj Balaguer, 09053611058, maryjaneolvina@gmail.com
-30-
Isa sa mga pinakasikat at paboritong pulutan ng mga Pinoy ang kambing, lalo na sa mga taga-Norte. Halimbawa na lamang sa Ilocos Norte, hinding-hindi mawawala sa mga selebrasyon ang papaitan, kaldereta, o kinilaw na kambing.
Kaya naman maituturing na isa ang rehiyon sa mga nangunguna pagdating sa paggawa ng mga produktong galing sa kambing. Patuloy ang pagyabong ng nasabing industriya at ito ang nagtulak upang maglunsad ng isang inisiyatiba ang Central Luzon State University o C-LS-U kasama ang Department of Agriculture – Bureau of Agricultural Research o D-A BAR ng isang proyekto upang ipakilala ang karne ng kambing o chevon (shevon) sa wikang Ingles bilang “processed” na produkto na maaaring ibenta sa mga siyudad maging sa labas ng bansa.
Ilan lamang sa mga processed na produktong patok na patok mula C-L-SU ay ang instant papaitan at instant kapukan na maihahain sa pamamagitan lamang ng pagpapakulo dito sa loob lamang ng sampung minuto. Kaya para sa mga interesadong matikman ang processed chevon ng C-LS-U at para sa karagdagan pang impormasyon, maaaring makipagugnayan kay Doktor Alma de Leon sa numerong 0-4-4 4-5-6 7-2-1-2 o sa kanyang e-mail na almadeleon444@hotmail.com (alma a-l-m-a de leon de l-e-o-n 4-4-4 at hotmail h-o-t-m-a-i-l dot com).
At para naman sa iba pang mga research at technology, i-like lamang ang opisyal na Face-book page ng D-A BAR sa fb.com/DABAROfficial (f-b dot com slash d-a bar official).
-30-
Sa kasalukuyan, ang defatted soybean meal ang kadalasang ginagamit na pakain sa mga alagang isda dahil ito ay mura. Mura man, hindi pa rin nito naibibigay ang sapat na nutrisyon na kailangan ng mga isda.
Upang ito’y bigyang solusyon, ang Ateneo de Manila University ay naglunsad ng isang proyektong pinondohan naman ng Department of Agriculture – Bureau of Agricultural Research o DA-BAR tungkol sa blue-green photosynthetic (fo-to-sin-te-tik) microalgae (may-kro-al-dyey) na kung tawagin ay Spirulina (is-pi-ru-li-na).
Ang Spirulina ay natatangi sapagkat ito ay nagtataglay ng pinakamataas na natural protein at iba pang mga amino acids at sustansya na kailangan ng mga isda. Ayon kay Doktor Fabian Dayrit ng Department of Chemistry ng Ateneo, ilan lamang sa mga benepisyong makukuha ng mga isda sa Spirulina ay ang mas mataas na growth rate, mas mabuting digestion, mas matibay na immune system, at mas madaling paggawa ng enerhiya sa kanilang mga katawan.
Sa kasalukuyan, inihahanda na ang pinagyabong na Spirulina upang maipakilala sa merkado. Para sa karagdagang impormasyon ukol sa Spirulina, maaaring makipagugnayan kay Doktor Fabian Dayrit sa numerong 6-3-2 4-2-6 6-0-0-1 o sa kanyang email na fdayrit@ateneo.edu.
At para naman sa iba pang mga research at technology, i-like lamang ang opisyal na Facebook page ng DA-BAR sa fb.com/DABAROfficial (f-b dot com slash d-a bar official).
-30-
Mataas ang kalakalan ng mushroom o kabute sa merkado dahil sa malaki ang nakukuhang benepisyo dito. Mayaman ito sa minerals, vitamin B at D. Ang Department of Agriculture–Regional Field Office 3 ay nag inisyatiba na magpatupad ng proyektong “Community-Based Mushroom Production” o CBMP sa pangunguna ni Dr. Emily A. Soriano.
Sinuportahan ng Bureau of Agricultural Research o BAR ang proyekto na naglalayong magpatupad ng panukala sa pagpapatayo ng community-level mushroom production na kung saan nakapaggawa ng 5 modyul ukol sa produksyon at tamang pagpoproseso ng mushroom.
Isa ang Anao Mushroom Growers’ Association o AMGA, na nagmula sa Brgy. Don Ramon, Anao (a-naw), Tarlac, na may 16 na miyembro ang nagsimulang sumubok sa CBMP na nagbigay daan sa mas magandang kalidad ng mga kabute na naging pangunahing pinagkukunan ng ikabubuhay ng mga miyembro nito.
Ayon sa lider ng AMGA na si Ginang Estrella Jacinto, hindi lamang ang mga miyembro pati na rin ang mga di kabilang sa samahan ay kumikita sa pamamagitan ng pagtulong sa pagtatanim na kung saan binabayaran sila ng dalawang piso kada isang bag na maaani at dagdag piso sa bawat bag na maitatanim.
Ang mga fruiting bags ay binebenta sa halagang Php 25, samantalang ang mga mushroom fruits ay umaabot sa Php 150 kada kilo. Maliban sa pagsuporta sa proyektong Community-Based Mushroom Production, tumulong rin ang Bureau of Agricultural Research sa pagbabahagi ng istorya kung paano naging matagumpay ang proyekto ng asosasyon.
Pinamagatan itong “BAR-CLIARC Mushroom Production (Parts 1 and 2)” na ipinalabas sa PTV 4’s Mag-Agri Tayo noong July 2014. Tinatayang 50,361 views ang nakamit ng unang bahagi nito samantalang nagkaroon naman ng 39,413 views ang ikalawang bahagi nito. Dahil dito, nahikayat ang marami na tangkilikin ang mga produktong mula sa mushroom na gawa ng Anao Mushroom Growers’ Association.
Para sa karagdagang impormason ukol sa mushroom maaaring makipagugnayan kay Dr. Emily A. Soriano sa numerong 0-4-5-9-8-5-1-2-5-6 o magpadala ng mensahe sa kanyang email na easoriano30@gmail.com (e-a soriano 3-0 at g-mail dot com). Para naman sa iba pang mga research at technology, i-like lamang ang opisyal na Face-book page ng D-A BAR sa fb.com/DABAROfficial (f-b dot com slash d-a bar official).
-30-