Go For Electric Vehicles

DZMJ Online Season 22 Episode 13 is with the Department of Energy on its Alternative Transport Vehicles. Pure Electric Vehicles and Hybrid Gas-Electric Vehicles

PSA about “batuan sinigang cubes”.

Batuan is an indigenous fruit crops usually found in tropical climate
countries like the Philippines.
It is usually eaten ripe and can be used with other dishes as flavoring to
sinigang due to its sour taste..

Ang “batuan” o Gracinia morella ay isang prutas na matatagpuan sa mga
bansang may tropikal na klima tulad ng Pilipinas. Kadalasan itong
kinakain ng hinog. Maaari din itong gawing pampaasim sa mga pagkain
gaya ng sinigang.
Sinimulan ng Department of Agriculture – Bicol Integrated Agricultural
Research Center o BIARC ang proyektong “Utilization of Batuan into
Value-added Products” upang matuklasan ang iba pang potensyal ng
batuan sa pagpoproseso nito bilang sangkap sa pagkain.
Tulad ng sampalok, ang prutas nito ay inihahanda upang makagawa ng
powder na ginagawang pampaasim sa mga lutuin. Mabuti ito sa
kalusugan dahil nakakapagpababa ito ng cholesterol na mabuti para sa
mga taong may hypertension.
Mayaman ang batuan sa antioxidant na tumutulong upang labanan ang
mga “free radicals” sa katawan na sanhi ng iba’t ibang uri ng sakit.
Sagana din ito sa vitamin C na nagpapalakas ng immune system ng
katawan.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa batuan, maaaring makipagugnayan kay Ginang Luz Marcelino (project leader) sa numerong 0-5-4-4-
7-7-0-4-7-5 o 0-5-4-4-7-8-3-6-4-5, o magpadala ng mensahe sa email na
luzcelinomar@yahoo.com.
At para naman sa iba pang mga research at technology, maaaring i-like
ang opisyal na Facebook page ng DA–BAR sa fb.com/DABAROfficial.

-30-

PSA about “Macadamia”.

Macadamia is a genus of four species of trees indigenous to Australia that
constitutes part of the plant family, Protaceae. They are native to
northeastern New South Wales and to central and southeastern Queensland.
Australia contributes more than 30 percent of the global crop. Each year,
70 percent of the Australian crop is exported to over 40 countries. The
macadamia is the only native Australian crop that has ever been developed
and traded internationally as a commercial food product.

Ang macadamia (ma-kuh-dey-mi-ah) ay isa sa mga puno na saganang
matatagpuan sa Australia. Ito ay kabilang sa pamilya ng Protaceae (prota-si-ih). Ang nuts nito ay magandang source ng energy. Higit na mas
mataas ang calorific values nito kumpara sa ibang mga food seeds at
kernels. Walang gluten protein ang macadamia kaya ginagawa itong
sangkap sa mga gluten-free foods na magandang alternatibo para sa mga
may celiac disease.
Madaming benepisyong pangkalusugan ang macadamia. Mayaman ito sa
calcium, iron, magnesium, manganese, at zinc. May taglay din itong Bcomplex vitamins na mahalaga sa metabolic functions ng katawan. Ang
100 grams ng nuts nito ay kayang magbigay ng 15% niacin requirements
ng katawan, 21% pyridoxine o vitamin B-6, 100% thiamin, at 12%
riboflavin. Mayroon din itong maliit na porsyento ng vitamins A at E na
tumutulong protektahan ang mga cell membranes at DNA sa mga harmful
free-oxygen radicals.
Kadalasang ginagawang kendi o ibang uri ng matamis na pagkain ang
macadamia. Maaari itong kainin ng hilaw, o iprito, tustahin, at asinan. Ang
langis nito ay maaaring gamitin sa paggawa ng salad o kaya naman ay
gamitin sa pagluluto. Natuklasan na din ang paggamit ng langis nito bilang
lubricant o pampadulas at maging sangkap sa mga pampaganda.
Ang Bureau of Agricultural Research (BAR) sa pakikipag-ugnayan sa
Bureau of Plant and Industry–Baguio National Crop Research
Development and Product Support Center (BPI–BNCRDPSC) ay
nagsagawa ng isang proyekto, ang “Macadamia Conservation,
Propagation, and Commercialization in Luzon.” Layon ng proyektong ito
na mapataas ang lokal na produksyon ng macadamia, maiayos ang
sistema ng pagsasaka at magkaroon ng sapat at dekalidad na macadamia
seedlings. Pinondohan ito ng BAR sa ilalim ng National Technology
Commercialization Program (NTCP).
Upang mas mapag-aralan pa ang macadamia, iminumungkahi ang
pagtatayo ng mga demonstration farm sa ilang parte ng Baguio City,
Sagada sa Mountain Province, Benguet, at Ilocos Norte.
Para sa iba pang mga research at technology, maaaring i-like ang opisyal
na Facebook page ng DA–BAR sa fb.com/DABAROfficial (f-b dot com
slash d-a bar official).

-30-

PSA material about “white potato”. White potato is a
commonly grown rootcrop worldwide, including the Philippines. The
Department of Agriculture (DA) identified it as a priority crop owing to
its industrial and commercial potentials.

Ang white potato o patatas ay isa sa mga pangkaraniwang halamang ugat
na itinatanim sa Pilipinas. Kinilala din ito ng Department of Agriculture
bilang isang “priority crop” dahil sa pang industriyal at komersyal na
potensyal nito.
Bagamat madaming benepisyong nakukuha sa patatas, hindi maabot ang
demand sa supply nito dahil sa mga peste na balakid sa mga panananim.
Base sa mga datos na nakalap, 50 hanggang 75 na porsyento ng
“bacterial wilt” o Ralstonia solanacearum ang dahilan ng mababang
produksyon ng patatas sa bansa. Tinatayang 5 hanggang 10 toneladang
patatas kada ektarya lamang ang naaani dahil sa bacterial wilt.
Upang bigyang solusyon ang problema, naitaguyod ang “Communitybased Participatory Action Research (CPAR) on Potato-based Farming
System” sa Imbayao, Malaybalay City, Bukidnon. Ang proyektong ito ay
pinondohan ng Bureau of Agricultural Research o BAR at pinangunahan
ng DA–Regional Field Office 10 kasama ang lokal na gobyerno ng
Malaybalay City.
Layon ng proyekto na mapataas ang produksyon ng patatas upang
makatulong sa mga magsasaka.
Ayon sa project leader na si Dr. Berly Tatoy ng DA–RFO 10, simula nang
ma-implementa ang CPAR noong 2010, naturuan ang mga magsasaka ng
teknolohiya sa pagtatanim tulad ng field bulking, crop rotation, goat
production, seed plot technique, commercialization of quality potato
seeds, at crop and goat integration.
Isa sa mga magsasakang natulungan ng mga teknolohiyang hatid ng
CPAR, si Ginang Lilia Esconde, 53 taong gulang, na ngayon ay
nakakapag produce at benta na ng malaking bilang ng ani.
Maituturing na isang tagumpay ang hatid ng CPAR dahil hindi lamang nito
napataas ang produksyon at kita ng mga magsasaka, nagkaroon pa sila
ng dagdag na kaalaman at teknolohiya upang mapaunlad ang sektor ng
agrikultura.
Para sa iba pang mga research at technology, maaaring i-like ang opisyal
na Facebook page ng DA–BAR sa fb.com/DABAROfficial (f-b dot com
slash d-a bar official).