DZMJ Online Season 23 Episode 2 is with LTOP of Mr. Orlando Marquez and DOTr in Quezon City
COCO SAP SUGAR (ASUKAL BUHAT SA NIYOG)
Ang coconut sugar ay gawa sa nectar mula sa katas ng ubod ng niyog.
May magandang epektong pangkalusugan ito kumpara sa mga table
sugar.
Base sa Food and Nutrition Research Institute o FNRI ng Department of
Science and Technology, ang coco sap sugar ay mayroong mababang
Glycemic Index o GI kaya naman maganda itong gawing alternatibo sa
mga pampatamis ng pagkain.
Pinangunahan ng grupo ni Benjamin Villaflor Jr., municipal agriculturist ng
local government ng Quezon, at ng Department of Agriculture – Quezon
Agricultural Experiment Station o DA-QAES (ka-es) ang proyektong
“Production, Promotion, and Commercialization of Coconut Sap Sugar in
the Province of Quezon.” Pinondohan ito ng Bureau of Agricultural
Research sa pagnanais na makatulong sa mga magsasaka upang
magkatrabao’t madagdagan ang kanilang kita, at mapanatili ang industriya
ng niyog sa lugar bilang ito ang pangunahing ikinabubuhay ng mga
mamamayan ng Quezon.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa coconut sap sugar, maaaring
makipag-ugnayan kay Benjamin O. Villaflor Jr. sa numerong 0-9-0-5-3-4-
6-6-3-8-4 o magpadala ng mensahe sa sa email na
bvillaflorjr@yahoo.com (b villa-flor at ya-hu dot com).
At para naman sa iba pang mga research at technology, maaaring i-like
ang opisyal Facebook page ng DA-BAR sa fb.com/DABAROfficial (f-b dot
com slash d-a bar official).
-30-
use of green corn as feeds.
“The dairy cattle industry is one of the primary sources of income among
cattle raisers, especially the farmers from the province of Isabela in
Cagayan Valley, where there is a wide range of rice and corn fields, and
therefore could be an abundant source of feed resources (i.e. green corn as
forage/silage, rice straw, corn stover)
However, despite the vastnesses of areas, many dairy farmers are still
faced with scarcity problem of quality feed resources for dairy animals
especially during dry season. The supply of forage is very low during the
dry spell. The wet season is the peak season wherein quality feeds are high
in supply, therefore contributing to the good milk production of cows.
To address feed quality and scarcity, and improve the current state of the
dairy sector, it is recommended to come up with quality feed and roughages
that will be made available all-year-round. Forages and roughages are the
backbone of the industry, because ruminants like cow depend on them for
milk and meat production.”
-30-
Nakasaad sa Philippine Dairy Update ng National Dairy Authority noong
Enero hanggang Hunyo 2018 na nakabase sa lokal na supply ng gatas
ang produksyon ng mga dairy products sa bansa.
Ang paggawa ng mga produktong mula sa gatas ng baka ay isa sa mga
pangunahing hanapbuhay ng mga magsasaka sa Cagayan Valley sa
probinsya ng Isabela, na kung saan maraming malawak na taniman ng
palay at mais.
Dahil sa kalakhan ng mga sakahan at kakulangan sa pagkain at nutrisyon
ng mga alagang baka, naging pangunahing supply ng pagkain ang mga
green corn, silage, rice straw at corn stover mula sa naaning palay at
mais.
Ang corn silage ay tinawag na “high energy food source” dahil sagana ito
sa nutrients. Mababa ang protina nito ngunit mas mataas ang digestible
energy nito kumpara sa ibang pakain sa mga hayop. Nakakatulong ito sa
mga bovine animals gaya ng baka upang makapagproduce ng maraming
gatas. Madali itong iimbak dahil kaya nitong tumagal ng tatlong taon ng
hindi nabubulok.
Nagtulong ang Bureau of Agricultural Research o BAR at Department of
Agriculture Regional Field Office 2, sa pangunguna nina Dr. Nilo E. Padilla
at Dr. Diosdado C. Cañete ng Isabela State University, na itaguyod ang
proyektong “Adoption and Commercialization of Green Corn, Green CornBased Silage, Haylage and UMMB Production for Daily Cattle in Cagayan
Valley”. Ito ay upang mas mapahusay ang produksyon ng mga dairy
products at madagdagan ang kita ng mga magsasaka sa pamamagitan ng
paggamit ng green corn silage, haylage at Urea Molasses Mineral Block o
UMMB bilang pakain sa mga alagang hayop.
Ayon sa mga datos na nakalap ng Isabela State University, ginawang
basehan ng Malaya Development Cooperative o MDC ang proyektong ito
at ginawang pangunahing pagkain ng mga dairy animals ang silage.
Tumaas ang produksyon ng gatas ng MDC mula tatlo hanggang labing
isang litro kada tao sa loob ng isang araw.
Sa kabuuan, lubos na nakatulong ang proyekto ng Bureau of Agricultural
Research at Isabela State University dahil tumaas ang produksyon ng
gatas sa bansa, lumaki ang kita ng mga magsasaka at nabawasan ang
pag-aangkat ng mga dairy products mula sa ibang bansa.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa green corn silage, maaaring
makipag-ugnayan kina Dr. Nilo E. Padila sa kanyang email na
niloepadilla926@yahoo.com at Dr. Diosdado C. Cañete sa kanyang email
na djc22065@yahoo.com.
Para naman sa ibang mga research at technology, i-like lamang ang
opisyal na Face-book page ng D-A BAR sa fb.com/DABAROfficial.
—