Maharlikan Year End Get Together

DZMJ Online Season 23 Episode 1 is with the Maharlikan Group Get Together Year End in Quezon City

PSA about abalone.
**
Along the coasts of Palawan is a rare shellfish called abalone. Locals
would more often recognize it as sobra-sobra (Ilonggo) which, in English,
translates as “too much.” As abalone reaches maturity, one would notice the
sea creature’s flesh overlapping its shell covering. Abalone is rich in
Omega 3, iodine, and phosphorous which help in reducing the risk of getting
cancer, heart disease, and arthritis. Despite being named sobra-sobra,
abalone is considered a rarity in the agri-fishery industry.

Ang abalone ay isang uri ng shellfish na matatagpuan sa Palawan. Kilala
ito ng mga taga rito sa bansag na “sobra-sobra”. Mayaman ito sa Omega
3, iodine, at phosphorus na nakakatulong upang bawasan ang posibilidad
sa pagkakaroon ng cancer, sakit sa puso, at arthritis.
Hindi madali ang pangunguha ng abalone. Ang mga mangingisda ay
kinakailangan pang sumisid ng mahigit 10 metrong lalim at saka manomanong kokolektahin ang mga abalone sa ilalim. Umaabot ng ₱300
hanggang ₱850 ang presyo nito depende kung ito ay buhay pa o frozen
na.
Isang grupo ng mga mananaliksik mula sa Western Philippines University
(WPU) ang nakatuklas na ang mga coral reefs sa Palawan ay nasisira
dahil sa iresponsableng pangongolekta ng abalone sa lugar. Upang
tugunan ang problema, nakipag-ugnayan ang College of Fisheries and
Aquatic Sciences ng WPU sa Bureau of Agricultural Research o BAR
upang maitaguyod ang proyektong “Utilization of Indigenous Materials for
the Mass Production and Community Farming System of Abalone in
Palawan.”
Sa pangunguna ni Dr. Lota Alcantara – Creencia ng WPU, nagkaroon ng
isang hatchery o nursery sa Banduyan Marine Research Station. Isang uri
ng abalone na pinapalaki dito ay ang Haliotis asinina. Ito ang may
pinakamalaking kabibe sa lahat ng uri ng abalone na matatagpuan sa
Pilipinas.
Nakipag-ugnayan din ang WPU sa Commission on Higher Education,
Department of Science and Technology, Bureau of Fisheries and Aquatic
Resources, at United States Agency for International Development upang
mapangalagaan ang abalone sa Palawan at makatulong sa industriya ng
abalone sa bansa.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa abalone, maaaring makipagugnayan kay Dr. Lota Alcantara – Creencia sa numerong 0-9-2-8-2-8-0-9-
4-1-9 o magpadala ng mensahe sa email na lotacreencia@gmail.com.
At para naman sa iba pang mga research at technology, maaaring i-like
ang opisyal na Facebook page ng DA–BAR sa fb.com/DABAROfficial.

-30-

PSA about ayungin.

“Ayungin” is one of the most expensive freshwater fishes. It is indigenous
to Laguna de Bay and is claimed to have been introduced to other water
bodies including Taal Lake in Batangas and Sampalok lake in Laguna. Despite
the decline in population and commercial catch in recent years, the demand
for ayungin remains strong commanding a relatively high price.

Ang “silver perch” (Leiopotherapon plumbeus) na mas kilala sa bansag na
ayungin ay isa sa mga isdang may mataas na presyo na mabibili sa
pamilihan. Ito ay likas na matatagpuan sa Laguna de Bay.
Sinimulan ng University of the Philippine Los Baños – Limnological
Research Station (UPLB-LRS), Bureau of Fisheries and Aquatic
Resources – National Inland Fisheries Technology Center (BFAR-NIFTC),
at ng Bureau of Agricultural Research ang proyektong “Development of
Seed Production and Grow-Out Culture Techniques for Ayungin.” Layunin
ng proyektong ito na magkaroon ng plano ukol sa epektibong
pagpaparami ng ayungin, magkaroon ng kaalaman sa potensyal ng
pagpapalaki ng mga ayungin sa loob ng “cage” o hawla, at pagkakaroon
ng teknolohiya sa pag-aalaga ng ayungin sa ilalim ng mga pond.
Ayon kina Dr. Ma. Vivian C. Camacho ng UPLB-LRS at Dr. Adelaida L.
Palma ng BFAR-NIFTC, ang mga mangingisda ay tinuruan ng tamang
paraan at teknolohiya sa pagpapalaki ng mga ayungin. Base sa pag-aaral,
ang pagkukulong ng 50 isda kada kwadradong metro sa isang #24 mesh-
B na lambat at pagpapakain ng pinaghalong komersyal at natural na
pakain isang beses kada araw ang pinaka angkop na paraan sa
pagpapalaki ng mga ayungin sa Laguna de Bay; 25 isda kada
kwadradong metro at pagpapakain ng dalawang beses kada araw naman
ang kailangan para sa pagpapalaki ng ayungin sa mga pond.
Dahil sa magandang resulta ng pag-aaral at pagpapalaki sa mga ayungin,
mas pinaigting ng mga mangingida ang pag-aalaga sa mga ito dahil sa
mataas na demand nito sa merkado.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa ayungin, maaaring makipagugnayan kay Dr. Ma. Vivian C. Camacho sa numerong 0-4-9-5-3-6-0-1-8-
8 o kaya naman ay maaaring magpadala ng mensahe sa kanyang email
na mavivs@yahoo.com.
Para naman sa iba pang mga research at technology, i-like lamang ang
opisyal Facebook page ng DA-BAR sa fb.com/DABAROfficial.

-30-

PSA about “Tilapi Ice Cream.”

After successfully bagging the gold medal as as an Innovation World Winner
Awardee during the Salon International de l’Agroalimentaire (SIAL) ASEAN
Manila 2016, and going viral over the internet, new business opportunities
now await the trend-setting tilapia ice cream. Developed by the Central
Luzon State University (CLSU) and packaged as Daerrys tilapia ice cream,
this will soon be available in Ka Tunying’s Café in Quezon City owned by
known news anchor, Anthony Taberna.

Naging tanyag ang tilapia ice cream ng Central Luzon State University o
CLSU matapos nitong masungkit ang gintong medalya bilang “Innovation
World Winner Awardee” sa ginanap na Salon International
del’Agroalimentaire (SIAL) ASEAN Manila noong 2016. Mabibili ito sa Ka
Tunying’s Café na pag-aari ni Anthony Taberna, isang kilalang
mamamahayag.
Ayon sa project leader ng tilapia ice cream na si Prof. Dana G. Vera Cruz
naging matagumpay ang kanilang proyekto dahil sa pagsuporta ng
Department of Agriculture – Bureau of Agricultural Research na nagsulong
sa “Technology Enhancement and Commercialization of Tilapia Ice
Cream.” Pinondohan ito sa ilalim ng National Technology
Commercialization Program. Nakakapag produce ng 5,000 tilapia ice
cream ang CLSU kada buwan.
Sa kasalukuyan, nakaimbento na rin ng iba’t ibang variants ng tilapia ice
cream gaya ng tilapia praline, tilapia ice cream sans rival, at tilapia ice
cream with tilapia cookies. Mayroon na ding ibang produkto na nagawa
mula sa tilapia gaya ng thin plain tilapia cookies, tilapia cookies with
tomato jam, at tilapia hermits dipped in lemongrass-pandan chocolate.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa tilapia ice cream, maaaring
makipag-ugnayan kay Prof. (pro-fes-sor) Dana G. Vera Cruz ng Central
Luzon State University sa numerong 0-9-1-7-8-4-7-4-9-8-2 o magpadala
ng mensahe sa kanyang email na dgveracruz@yahoo.com.
At para naman sa iba pang mga research at technology, maaaring i-like
ang opisyal na Facebook page ng DA-BAR sa fb.com/DABAROfficial.