Mga programa ng DA inilahad sa Pampanga Mayor’s League

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, PAMPANGA- Ibinahagi ng Kagawaran ng Pagsasaka (DA) ng Gitnang Luzon sa pangunguna ng Planning, Monitoring and Evaluation Division ang mga programa pinatutupad nito sa Pampanga Mayor’s League (PML) Meeting na kinabibilangan ng mga alkalde at ang gobernador ng lalawigan ng Pampanga nitong ika-22 ng Enero sa Bren Z Guiao Convention Center, City of San Fernando, Pampanga.

Kasama ding naimbitahan sa pangpupulong ang mga Municipal Agriculturist Officers ng bawat bayan at lungsod ng Pampanga.

Isang magandang oportunidad naman ang pagpupulong na ito para kay Direktor Crispulo G. Bautista, Jr. na kasalukuyang Regional Executive Director ng DA Gitnang Luzon, “We are here as a partner imparting the programs and projects of the government specifically in agriculture sector. Bukas po aming tanggapan sa mga suggestions para mabigyan ng ayuda ang ating mga magsasaka sa lalawigan ng Pampanga”, ani Bautista.

Laking pasasalamat naman ng Gobernador ng Pampanga na si Dennis “Delta” Pineda dahil pinaunlakan ng DA ang kanilang imbitasyon. Nasabi din niya na dahil sa pagpupulong ay mabibigyan ng update ang lahat sa mga pinapatupad na programa at proyekto ng DA.

Dagdag pa nito ay isa na rin sila sa mga magsesertipika sa mga mapipiling benepisyaryo ng DA.

Matapos nito, ibinahagi ng Hepe ng Planning, Evaluation ang Marketing Assistance Division na si Arthur Dayrit, PhD. ang mga programa at proyekto ng kagawaran sa taong 2020-2021 at alokasyon ng pondo para sa lalawigan ng Pampanga. Nakapaloob dito ang naging budget ng DA mula sa Bayanihan 1 o Bayanihan to Heal as One Act. Sa ilalim nito naimplementa ang Rice Resiliency Project (Wet Season) na may alokasyong PhP114.13 milyon para sa seed distribution at PhP108.01 milyon para sa fertilizer distribution; PhP76.50 milyon para sa Rice Farmers Financial Assistance o RFFA (11,108 beneficiaries); PhP308.93 milyon sa Indemnification for African Swine Fever (ASF); at PhP52.47 milyon na Quick Response Fund for Distribution of Animals for ASF affected backyard hog raisers.

Nagkaroon din ng alokasyon ang Pampanga mula sa Bayanihan 2 (Bayanihan to Recover as One Act) fund allocation ng DA. Nilalaman nito ang PhP156.53 milyon pamamahagi ng libreng binhi ng palay at abono para sa dry season planting (under Rice Program); PhP602 libo para sa Fall Armyworm Management (under Corn Program); PhP2.475 milyong alokasyon para sa High Value Crop Development (HVCD) programs and projects; PhP95 milyon para sa mga proyekto ng Livestock Program sa lalawigan; at ang PhP285 milyon pondo sa special project na pagtatayo ng National Seed Technology Park sa New Clark City.

Maliban sa Bayanihan 1 at 2, ibinahagi din ni Doc. Arthur ang proposed budget allocation for 2021 Regular Programs ng DA Region III para sa lalawigan na may kabuuang 329.22 milyong pisong pondo.  Nilalaman nito ang pamamahagi ng mga makinarya, mga pasilidad at iba pang kagamitang pangsaka; animals and seeds distribution; mga assistance and trainings; at Farm to Market Roads.

Kasunod nito, pakiusap ni Direktor Bautista sa mga alkalde at mga Municipal Agriculturist Officers na irehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA ang kanilang mga magsasasaka dahil dito nagbabase at kumukuha ang kagawaran ng mga magsasakang mabibigyan ng ayuda.

Upang mapabilis ang pagrerehistro ng mga magsasaka sa RSBSA, nagboluntaryo si Gevernador Delta na maglalaan ang Provincial Government ng pondo upang maidala sa barangay level ang pagrerehistro. Nagbigay din ito ng babala sa mga nagsesertipika ng mga hindi naman talaga lehitimong magsasaka at nagbebenta ng natanggap na ayuda sa kagawaran ay kakasuhan at bibigyan ng karampatang parusa.

Bukod dito, nagbigay din ng update ang Integrated Laboratory Division ng DA Region 3 sa mga kaso ng rabies sa Pampanga. Ginawa ito upang mabigyan ng kamalayan ang lahat sa mga programa at proyektong isinusulong upang maalis ang rabies ng mga hayop sa bansa at mawala na ang kaso ng mga taong namamatay dulot nito.

Sa pagtatapos ng pagpupulong, binanggit ng governador na maghahanda rin sila ng pagpupulong kasama ang NIA at BFAR upang mapag-usapan din ang mga programa nila at mabigyan ng kasagutan ang mga naging katanungan ng ibang mga alkalde. # # # (DA-RFO III, RAFIS)

DA RFO 02 strengthens fight against ASF

To further strengthen the fight against African Swine Fever through the Bantay ASF sa Barangay (BaBay ASF), the Department of Agriculture Regional Field Office No. 02 on January 22, 2021 met with the Provincial and City Veterinarians and Agriculturists and DA attached agencies.

Regional Executive Director Narciso A. Edillo discussed the 12 paradigms under the One DA Approach and the need for a unified effort in the control and eradication of ASF through a whole of a nation approach.

He encouraged the immediate implementation of renewed strategies indicated in the Regional Action Plan on ASF. “There is a need to educate stakeholders up to the barangays to ensure an all-around approach in our fight against the disease,” he said.

DA-RFO 02 shall also meet with other stakeholders to intensify its efforts on surveillance and monitoring activities on the ground. # # # (DA-RFO II, RAFIS)

20 pang lugar sa Ilocos, target para sa F2C2 Program ngayong taon

LA UNION – Nakatakdang tapusin sa susunod na buwan ang profiling, assessment, at participatory rural appraisal (PRA) sa 20 pang mga bayan at lungsod sa buong Ilocos Region na magiging target areas para sa Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) Program ng Department of Agriculture.

Sa panayam kay Bb. Rhoda Galban, Regional Coordinator ng F2C2 ng Department of Agriculture – Regional Field Office I (DA-RFO I), sinabi niya na binubuo ang mga ito ng limang lugar sa Ilocos Norte, tatlo sa Ilocos Sur, apat sa La Union, at walo sa Pangasinan.

“For this year, mayroon tayong 20 targets for Region 1 na wino-workout with different banner programs, sa fisheries at PCA. Tinitingnan kasi natin dito na well-represented ang iba’t ibang priority commodities sa region. Kaya ngayon, nag-set tayo ng deadline to conduct initial activities hanggang February 15 para makagawa na ng Cluster Development Plan,” ayon kay Galban.

Samantala, natapos na rin ang profiling at inisyal na mga aktibidad ng banner programs sa mga naunang F2C2 areas na kinabibilangan ng Agoo, La Union (100 ha); Umingan, Pangasinan (300 ha); Bolinao, Pangasinan (201 ha); Sto. Domingo, Ilocos Sur (3,449 ha); at Adams, Ilocos Norte na may potential para sa wine industry.

Ang pangunahing commodity sa mga consolidated farms sa bayan ng Agoo ay palay, habang sa Umingan ay iba’t ibang mga high value crops.

Palay, mais, gulay, mani, kamote, paghahayupan, at 80% na palaisdaan and commodities sa Bolinao, habang palay, mais, gulay, bawang, lasona, tilapia at tabako sa Sto. Domingo.

Matatandaang ang F2C2 ay isa lamang sa mga bagong programa ng DA na nilagdaan ni Sec. William Dar noong buwan ng Agosto, 2020 na naglalayong pagbuklurin ang mga magkakalapit na sakahan at palaisdaan upang mas mapadali ang pagbibigay ng ayuda ng pamahalaan.

Sa mga sakahan, ang dapat na minimum na sukat ng mga taniman ay 100 ektarya para sa palay, namumungang kahoy, perennials, at fiber crops, 75 ektarya sa mais at iba pang grain crops, at 50 ektarya sa high value crops.

Ibabase naman sa farm systems approach ang clustering sa livestock production kung saan pagsasama-samahin ang nasa feedmill centered-livestock production ecosystem para sa mga nag-aalaga ng baboy at manok; malawak na pastulan at maayos na lugar para sa mga free-range chicken at iba pang alagang hayop.

Samantala sa pangingisda, susundin ng producer communities ang pagbubuklod base sa marine and fishery production zone, fishery fleet, at community fishpond leases.

Sa ilalim ng F2C2, tutulungan ang mga magsasaka at mangingisda mula sa pagpoproseso hanggang sa pagbebenta ng kani-kanilang mga produkto sa ilalim ng F2C2 Support and Assistance Program, at mayroon ding communication, loan, at scholarship support sa Special Complementary Programs and Projects.

Para sa mga interesadong makibahagi, kailangang 75% ng mga miyembro ay rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) para sa mga magsasaka at Fisherfolk Registry (FishR) naman sa mga mangingisda. # # # (DA-RFO I, RAFIS)