

ENERO 9, 2021-Upang mapalakas ang pagtutulungan sa pagitan ng mga pandaigdigang kabalikat at ng Philippine Council for Agriculture Aquatic and Natural Resources Research and Development ng Department of Science and Technology nilagdaan ang isang Memorandum of Understanding sa pagitan ng Asian Institute of Technology ng Thailand nitong nakaraang September 3, 2020.
Isa sa nangungunang post graduate institusyon sa rehiyon ang AIT na nagsusulong ng pagbabagong teknolohikal at sustainable development sa rehiyong asya pasipiko sa pamamagitan ng higher education, research at outreach, ang kanyang misyon ay magdebelop ng mga kwalipikado at committed na mga propesyunal na mangunguna sa paglikha ng sustainable development sa rehiyon at sa pandaigdigang ekonomiya.
Ang pagtutulungan kabalikat ang AIT ay bunga ng Global Technology and Information Search (GTIS)/ Benchmarking activity on the best practices in S&T administration for improved resource management and utilization na pinangunahan ni Dr. Melvin B. Carlos, Deputy Executive Director for Administration, Resource Management and Support Services at Dr. Procy B. Sobreviñas, Supervising Science Research Specialist of DOST-PCAARRD
Nagkasundo ang DOST-PCAARRD and AIT na magkasamang mag implimenta ng research and development projects, capacity building activities (exchange of researchers, faculty, at scholars), at joint trainings, conferences, symposia, at workshops. Kasama rin ang exchange of information, education, at communication (IEC) materials, scientific at technical publications; participation sa mga scientific seminars, workshops, conferences at symposia.
Ang nasabing mga paraan ng pagtutulungan ay sumasakop sa agricultural systems at engineering; aquaculture at aquatic resources management; natural resources management development at sustainability; environmental engineering at management; climate change at sustainable development; at nanotechnology.

Ang nasabing MOU ay nilagdaan ni Dr. Reynaldo V. Ebora, DOST-PCAARRD Executive Director at Dr. Eden Y. Woon, AIT President. Kasalukuyang tinatrabaho ng dalawang institusyon ang mga detalye at lilikha ng plano para sa nasabing pagtutulungan at mga tututukang prayoridad. Mula sa mga detalye ni Cyrill S. Estimado, DOST-PCAARRD S&T Media Services.///Mj Balaguer, +639053611058, maryjaneolvina@gmail.com
###

TEKNOLOHIYA pang AGRICULTURE, AQUATIC, at NATURAL RESOURCES na nalikha sa pamamagitan ng R&D ipinakita sa 5th NRDC
ENERO 9, 2021- mga teknolohiya at inobasyong produkto ng pagsasaliksik na ang layunin nay matiyak ang food security at sustainability sa sektor ng agriculture, aquatic, at natural resources (AANR), ay ilan sa mga highlights ng nakaraang 5th National Research and Development Conference (NRDC).
Taunang ino organisa ng Department of Science and Technology (DOST), ipinakikita sa NRDC ang mga outputs ng mga programa at proyektong pinondohan at sinuportahan ng pamahalaan sa ilalim ng Harmonized National R&D Agenda (HNRDA) mga ahensya ng gobyerno, pamahalaang lokal, akademya, industriya at pamayanan, lokal at mga pandaigdigang organisasyon at ang publiko sa pangkalahatan.
May temang “Research and Development: Making Change Happen,” ginanap ang NRDC virtually via Zoom nitong November 9 to 11, 2020.
Tinalakay ang mga R&D outputs sa sektor agriculture at aquatic sa ikatlo at huling araw ng NRDC, kung saan ang moderator ay si Dr. Reynaldo V. Ebora, Executive Director of the DOST-Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (DOST-PCAARRD).
Kabilang sa mga R&D outputs na naipakita ay: kung paano napagwagian ang laban kontra cocolisap sa niyog; clonal forestry; Hi-Q VAM para sa kawayan; microalgae bilang aquaculture feed; dekalidad na trepang mula sa Philippine sandfish; surveillance system para sa banana disease; flora and fauna ng Cebu Island’s key biodiversity areas; Pinoy gourmix; farming superlicious worms; at wonders of Philippine mushrooms.
May lineup ng mga reputable speakers, na siyang mga technology generators, buhat sa mga state universities at colleges (SUCs) pati higher education institutions (HEIs), government agencies, at private institutions kung saan tinalakay ang nasabing mga topics.
Bukod sa pagpapamalas ng mga output ng teknolohiya at inobasyon ng sektor ng AANR, ang mga naging inisyatibo ng PCAARRD tungkol sa paglaban sa COVID-19 ay naipakita rin ni PCAARRD Executive Director Reynaldo V. Ebora sa nasabing event. Si Ebora, na isa sa mga nasa panel, kanyang tinalakay ang tungkol sa PCAARRD’s GALING-PCAARRD program, ang pagtugon sa idinulot ng pandemya. Ang “GALING” ay isang acronym na ang ibig sabihin ay Good Agri-Aqua Livelihood Initiatives towards National Goals. Ang “GALING” sa wikang Filipino ay ‘to heal’, tinalakay rin ni Ebora ang tungkol sa mga susog sa HNRDA, lalo sa bahagi ng sektor ng AANR ito ay naganap sa ikalawang araw ng. buhat sa mga detalye galing sa PCAARRD-DOST///Mj Balaguer, +639053611058, maryjaneolvina@gmail.com

PILIPINAS at AUSTRALIA ipinagpatuloy ang pagtutulungan sa pamamagitan ng PAC member appointment
ENERO 9, 20121- magkabalikat muli ang Australia at Pilipinas para sa agricultural research and development (R&D).
Naitalaga kamakailan si Dr. Reynaldo V. Ebora, Executive Director of the Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development of the Department of Science and Technology (DOST-PCAARRD) bilang miyembro ng Policy Advisory Council (PAC) ng Australian Centre for International Agricultural Research (ACIAR).
May mahalagang papel ang ACIAR PAC sa planning at implementation ng ACIAR’s international agricultural research portfolio. Nagbibigay ito ng payo sa Foreign Minister ng Australia upang tugunan ang mga suliranin sa sektor ng agrikultura sa mga umuunlad na bansa pati mga appropriate policies at programs sa pagtugon sa nasabing mga suliranin.
Itinalaga si Ebora ng pamahalaan ng Australia sa pamamagitan ng kanilang Minister of Foreign Affairs na si Honorable Marise Payne. Itinalaga rin siya dahil sa kanyang mahalagang ginampanan at kontribusyon sa bahagi ng sektor agriculture, aquatic, and natural resources (AANR) sector. Magsisilbi si Ebora bilang miyembro ng ACIAR PAC ng tatlong taon.
Mula July 17, 2020, may oportunidad si Ebora na matiyak na ang mga concerns ng sektor ng AANR sa Pilipinas ay mai konsidera at maibilang sa agricultural research portfolio ng ACIAR para mabenepisyuhan ang mga research agencies, universities, farmers’ organizations, at iba pang stakeholders sa pribadong sektor. Pwede rin maging strategic venue ni Ebora upang ibahagi ang mga karanasan ng Pilipinas at matuto sa mga karanasan ng Australia lalo sa mga best practices nito sa pagtugon sa agricultural issues at opportunities na hinaharap ng mga small-holder farmers at fisher folk.
Kapwa ang PCAARRD at ACIAR ay may matibay ng pagtutulungan sa loob ng 36 taon sa bahagi ng agricultural R&D at sa promosyon ng mga naging bunga ng R&D dahil sa advance agricultural competitiveness. Ang nasabing pagtutulungan ay nagpapatibay din sa policy system, monitoring at evaluation (M&E) ng mga PCAARRD-ACIAR joint projects at programs. Sa kasalukuyan, ang PCAARRD at ACIAR ay patuloy na nagbabahagi sa isat isa ng kanilang mga common objective upang mabawasan ang suliranin ng kahirapan at kagutuman sa pamamagitan ng pag I invest sa agricultural R&D. mula sa mga detalyeng galing kay Cyrill S. Estimado, DOST-PCAARRD S&T Media Services.///Mj Balaguer, +639053611058, maryjaneolvina@gmail.com